Nobody expected that after Leah Salonga, a young girl would again penetrate the international entertainment scene and make Philippines really proud of her achievements. Nagpapatunay rin sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Charice na kung hindi ka man sinuwerteng maging grand champion sa isang contest ay mayroon pa rin namang mas malaking mga bagay na nakatadhana na mangyari sa iyo.
Sa pictorial ng 2nd album niya under Star Records, ipinahayag ni Charice sa PEP na hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala sa mga magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career at buhay.
“Nagugulat nga ako, almost one year lang, last year lang ako na-discovered. Nag-start ako kay Ms. Ellen [Degeneres] last 2007, ‘tapos nagbigyan ng break nina Ms. Oprah [Winfrey] and David Foster. Last year, marami talagang nangyari. Sana this year, sa mga nakikita kong balita ngayon sa States, sa mga predictions nila na lagi akong kasama, sana magkatotoo yun. Sana nga, sa tulong ng mga taong nasa likod ko, sana lahat mangyari yun,” ani Charice.
BEING IN TOP THREE. Kamakailan ay kumanta si Charice sa isang party ng Sony Pictures. Kumpirmado na ring kakanta din siya sa after party ng Oscar’s Awards Night at isa rin si Charice sa tatlong newcomers na hinulaan ng Fox News who will make it big this 2009.
“Kumanta ako sa birthday ng isa sa mga director ng Sony Pictures, si Mr. Steve Dish, actually di ko sure yung surname niya. In-invite po niya ako dun. Ang format ng birthday niya ay mula ’50s, yung mga usong kanta nung ’50s at mga usong kanta ngayon. Ako yung in-invite niya to sing his favorite songs.
“Sa Oscar’s naman, magpe-perform ako sa post-party nila. Kasama ko si Mr. David Foster, marinig ko lang ang Oscar’s kinikilabutan na ako. Masaya ako kasi parang nag-i-start na ako na makilala talaga ng mga tao.
“Sa Fox News naman, napanood ko na nag-predict sila ng shining stars this 2009. Natuwa ako kasi kasama ako sa top three, no. 1 is Robert Pattinson of Twilight, no.2 is Kate Winslet, ‘tapos no. 3 ako. Iba yung feeling, ang sarap, so, sana magkatotoo. Tuwang-tuwa ako habang pinapanood ko, ‘Have you heard the name Charice Pempengco of the Philippines ?’ Nakakataba ng puso.”
Despite of Charice’s busy schedule, di pa rin niya kinalilimutan ang kanyang mother studio, ang ABS CBN at Star Records.
“Siyempre naman, kahit two days lang ako dito, umuwi ako dito para sa mga commitments ko sa kanila. Ngayon may pictorial ako for my second album in Star Records, bale 2nd album ko ito sa kanila for Mother’s Day so sana suportahan nila gaya ng una kong album. Magkakaroon din ako ng major concert, so, sana abangan nila.”
OPRAH RUMORS. May bali-balita noon na si Oprah Winfrey daw ang tumatayong manager ni Charice sa States, bagay na agad ay nilinaw sa amin ng batang singer. Binigyang-linaw din niya ang balita na ia-adopt daw siya ng sikat na sikat na TV host.
“Ang manager ko ay yung manager ni Andrea Bocelli. Si Ms. Oprah ang nagmo-monitor ng career ko, siya yung nagsasabi kung ano ang dapat kong gawin, kung ano ang ayaw niya, siya yung nagmo-monitor. Kumbaga siya yung tumutulong, siya yung nagsasabi kay Sir David Foster kung ano ang mga dapat kong gawin sa career ko.”
As for the rumor na ia-adopt na siya ni Oprah…
“Hindi naman totoo ‘yan, natutuwa lang si Ms. Oprah sa akin pero wala naman akong nabalitaan na ganun. Ang alam ko na nagdyo-joke ng ganyan ay si Sir David Foster. May limang daughters siya, niloloko niya na ako raw ang pang-anim. Si Ms. Oprah naman talaga, tumutulong siya sa mga bata kaya minsan naiisip nila na ‘Baka ia-adopt na nito si Charice.’ Kung mangyayari yun, dapat kasama ang mommy pati kapatid ko.”
FRUITS OF HER LABOR. Sa ganda ng tinatakbo ng career ni Charice, nabibili na niya ang mga gusto niya.
“Nakabili na ako ng [Ford] Expedition and sana makabili pa ako ng isang sasakyan. Kabibili ko lang ng isang apartment, isa ibibigay ko sa Lola ko, yung isa sa amin and the rest ipapa-rent ko. Sa Laguna yun sa Cabuyao, feeling ko kasi sinuwerte ako sa Laguna, ayokong talikuran kung saan ako nagmula. Gusto ko ring makabili ng sariling bahay para sa mama ko.”
Nagpahayag din ng pasasalamat si Charice sa mga taong sumusuporta sa kanya lalo na sa mga kababayan nating na nagsasabing proud sila as Filipinos dahil sa achievements ni Charice ngayon.
“Nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Pag napapanood ko ang sarili ko sa YouTube ‘tapos binabasa ko yung mga comments, malimit nababasa ko dun talagang mga Filipino na susuporta raw sila at ‘pag nagka-album daw ako, bibili raw sila ng 10 copies. Nakakatuwa na makatanggap ka ng ganung mga komento galing sa kanila.”
INTERNATIONAL ALBUM. Natutuwa rin si Charice sa nakalinyang international album na gagawin niya.
“Happy yung feeling pero sa project na ito, masasabi ko na isa ito sa pinakamahirap na gagawin ko, kasi bukod sa debut album ko ito, whole world po ito ibebenta. Mamimili na kami ng ng mga songs, pag nakapili na kami, diretso na kami sa recording. Umabot lang po ito ng gold, okey na sa akin, masayang-masaya na ako dun.”
Secdea
10 years ago
0 comments:
Post a Comment